My Name Is Julio Iñigo Elizalde

Chapter 2


"Sofie, Cable Car tayo after." Nagyayang gumimik si Pia.

"Sige Okay lang. sabihan mo nalang si Jessica" Sagot ko kay Pia

   Pagdating namin sa Cable Car, medyo maraming tao. Humanap kami kaagad ng mauupuan. Umupo na kami at umorder ng inumin. Margarita kay Pia, Cosmo kay Jessica. Saakin, Scotch, on the rocks.

Strong Girl.

"Hi, Sofie" Halos mailuwa ko yung iniinom ko. Pinunasan ko muna yung bibig ko. Tapos ay dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa nagsalita.

Siya.

Siya ulit. Ji.. Jan.. John,... Jam,.. Ji.. .Whatever. Hindi ko maalala

"You again. "

"Yeah.. Napapadalas yata to ha... Galing kayong work?" Tanong niya saakin

"Uhm, yes. " Nakita ko yung dalawa, nakatitig. Halos tumulo ang mga laway. Nakakahiya

"Oh by the way, these are my friends from work. Jessica and Pia" Tumayo yung dalawa at nakipagkamay. Hala! Kalalandi!

"I see that you dont have a company. Join us instead." Hala si Pia.

"Oh. Ha-ha If its okay with Sofia." Sabay hawi niya sa buhok niya na parang nagpapacute. Mukha mo! Di uubra saakin yan!

"Ha? Sure. Have a seat" Kahit mabigat sa loob ko, sige lang.

Round 1, Round 2, Round 3, Round 4...

   Naka Apat na rounds na silang 3 pero ako, hinsdi ako masyadong uminom. Magmamaneho pa kasi ako. at yung dalawa. Aliw na aliw makipagkwentuhan kay Jini. Si Jino, Parang hindi tinatamaan. Normal pa rin siya. E yung Dalawa. jusko. Nag bill out na kami. Lasing na yung dalawa. Ihahatid ko na muna sa kanila, bago ako umuwi.

"Ihahatid ko na kayo. If you dont mind. Lasing na yung dalawa." Alok niya saamin.

"No. Dala ko sasakyan ko. Ako nang bahala sa kanila." Sagot ko sa kanya, habang pinindot ko yung auto lock ng kotse. Sumakay na yung dalawa sa likod.

Pinaandar ko naman yung sasakyan para mabuksan yung aircon saka ako lumabas ulit.

"Sure ka kaya mo?" He's worried

"Oo. Hindi naman ako lasing" tough girl

"Haha. I know. And I'm Impressed" Ngumiti siya saakin. Impressed? saakin? Haha,,

"Haha. Thanks. We'll go ahead" Pumasok na ulit ako sa sasakyan. habang papalayo kami sa kanya, nakita ko siyang may ilang segundong pinagmasdan ang paglayo namin. saka siya pumasok sa sasakyan niya.

Jino's POV

Kababalik ko lang galing France. Si papa kasi. Okay na sana ako sa France, tahimik Buhay ko. walang nangengealam saakin. But family calls for it. Kailangan ko na daw bumalik para i handle ang EC Publishing.

Nakakainis.

**Coffee Shop**

Buti nalang, may branch ang paborito kong coffee shop dito sa pilipinas. Hindi ko mamimiss masyado ang Paris. Hay. I miss their Americano with Extra shot. Comfort Shot Medyo mahaba ang pila dito. Bago kasi ang shop. Mga pilipino talaga.

"I'll Have Amricano, Large with Extra Shot. Single Bill Please" Narinig ko yung inorder nung naunang babae saakin.Pareho kami ng taste. Sinilip ko ang mukha niya. Hmm.. Matangkad, katamtaman ang katawan, maganda siya, yung mga mata niya, malungkot ang mga ito. at walang bakas ng ngiti sa labi niya. No wonder.

"Tough Girl, Eh?" Hindi ko mapigilan. Interesting

"Sorry?" Sagot niya. Medyo mataray. Naka kunot ang noo. Nagulat ko yata siya.

"Americano, Extra shot, No Cream, no sugar. You must be one tough woman to take that all in" What! Jino, you sound like a stalker. snooping around somebody's coffee?

Napangiti nalang ako sa kanya.

"Sure I am." Hmm.. Indeed you are miss. Pero hanggang saan kaya ang aabutin ng pagiging tough mo? I'm Impressed with her. May Authority ang pag sasalita. My Type of Girl

"Hi I'm Jino" Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Pero tinitigan lang niya ito

"I'm Leaving" Haha... She's got her style! I like her. Sana magkita pa kami ulit. Lumabas na siya ng pinto. Napahawak nalang ako sa batok ko. I can't believe there's still a girl like her. Someone na hindi kumakagat sa charms ng isang Julio Iñigo Elizalde.

**Next day**


"Shit! The traffic. Wala bang ibang way? Malelate na ako. "

11:15 am na ako nakarating sa EC Building. Kialangan ko ng magmadali.

"Family, I'd like to introduce to you a new family member, Julio Iñigo Elizalde. Your New President and CEO for Elizalde-Cervantes Publishing Company. " Pakilala ni Lolo saakin.

Eto na. New Chapter na ng buhay, ko.

"Hi good morning. I am Julio Iñigo Elizalde . I'm Looking forward to an exciting working environment with you!" Magandang pabati ko sa kanila.

Mukhang masaya dito. Masayahin ang mga tao. Sana lahat sila makasundo ko.

Nag meeting kami hanggang 12noon. Pag katapos, Yung iba, nag lunch na. Pero ako, pinatawag pa ako sa office ni Lolo. Nag usap pa kami saglit. Binigyan pa niya ako ng final reminders sa pag sisimula ng araw ko.

1:30 pm na. Nagugutom na ako. Saan kaya pwedeng kumain. Masubukan nga ang bago kong assistant.

**Kriiing**

"Lisa, can you come over for a while please?" Sabi ko sa assistant ko. Sandali lang ay andyan na si Lisa.

"Lisa, saan pwedeng mag lunch? Pasensya na hindi pa ako sanay dito." tanong ko kay Lisa

"If you want sir, I can get you lunch. Just tell me what you prefer." Nag offer ng assistance si lisa.

"Ay okay sige."

*Tut tut*

*Message from Isaac Gonzales:
Pare! I heard your back! Lets meet up 3 pm sa Libis. See you there.*

"Ah,, Lisa, On the second thought, ako nalang bibili. San ba may sandwich shop dito. "

"Sa baba lang po Sir, Just across the street. Yung TSG" Sagot ni Lisa.

" Thanks." Tumayo na ako at lumabas ng room. Lumabas ako ng opisina para bumaba. Tamang tamang nakita kong pasara ang elevator. Sinnubukan kong humabol

"Hold the Elevator!" Sinubikan kong habulin yung elevator. Pero, huli na. Nag hintay nalang ulit ako ng susunod na elevator. Pag baba ko sa TSG, hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Si tough girl.

Destiny.

Nilapitan ko siya, She's making her choices siguro.

"Hi, We meet again, Ms. Leaving" And I Gave her a smile. She's really beautiful. Pero sana marunong siyang ngumiti.

"You."

Yes Me! Soon to be "Yours"

"Remember me?" Of Course Jino, How could she forget you? After you jumped out of nowhere?

"Of Course. How could I forget. " Matipid niyang sagot saakin. See Jino? She Remembered you.

"Haha. What A conincidence. Any way, I would like to say sorry for jumping out of nowhere yesterday, Its rude. I'm sorry." And we meet again. I gave her a half smile. Here we go, Jino, Dont mess this up.

"No its fine. Its nothing. I was just a little jumpy then." Sagot niya saakin. Bakit hindi siya ngumungiti? Nung mga panahong iyon, naisip ko, gusto ko siyang makitang ngumiti. Pero paano? hmmm... Challenge Accepted!

"So, your work is around here? or you just hang out here often?" gusto ko malaman. Gusto kong makita ka pa ulit.

"I work here. In that building actually." Tinuro niya ang Building sa tapat ng shop. Sa EC Building? Talaga? Haha! Kung papalarin ka nga naman. We are working on the same building.

"Really? Which company, If I may ask?" Madaming company ang nag hahouse sa building namin. I want to know from which siya nag tatrabaho. Hmm... Jino the Great is alive!!!

"EC Publishing. For Fiore Magazine. " Parang kampanang tumunog sa tenga ko ang mga salitang sinabi niya. Haha! God must have been listening to my prayers. Nag tarababaho siya sa kumpanya namin. Empleyado ko siya. Kailangan ko makagawa ng paraan para mag kita ulit kami. This time, hindi ko na siya papakawalan. Hindi ko alam kung anong tumama saakin at pursigido akong makita ang ngiti sa labi niya. Think Jino, Think!

"Here, let me. Its on me." Tama! Ako ang magbabayad ng binili niya. Para may dahilan na magkita kami ulit. Paano ko nasabi yon? sa tipo niyang babae, siya ang taong hindi nag papaubaya. Kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Kaya alam kong hindi siya papayag na ako ang sasagot sa binili niya.. Haha! Bright Jino!

"No Its fine. I'll pay for it" Bago pa man din siya makapag labas ng pera, inabot ko na ang Php300 sa cashier, at nag keep the change nalang ako. Saka ako naglakad palabas. Tahimik kaming naglalakad. ng Biglang

*Rinnnnngggg!!!!*

"Hello. Okay, Okay. I'll Be there" Si Isaac. Buwisit. Hindi makapag hintay.

"I have to go. " Kailangan ko ng magmadali. Malayo ang Makati sa Libis. Baka Matraffic ulit ako. Nag paalam na ako sa kanya.

"But the meal? How can I repay this?" Medyo napasigaw siya dahil mabilis akong naglakad papalayo sa kanya. Haha! This is your chance!

"You owe me dinner! Next time!" Bang! See! That easy! at alam kong hindi pwedeng hindi kami ulit mag kita.

Tandaan: Nasa iisiang kumpanya lang kami.

"Shit! I forgot!" Napahinto ako. Pangalan niya! Anong Pangalan niya? Babalik ako. Di pa siya nakakalayo

"Miss Leaving!" nakita ko siyang naglalakad na pabalik ng building. Lumingon sa papunta sa direksyon ko.

"Can I at least have your real name?" Medyo pasigaw kong tanong sa kanya. Tumalikod ulit siya, Nakakainis. Hindi ko man lang nakuha pangalan niya.

"Sofia. Its Sofia" Lumingon ulit siya saakin.

Sofia.
Haha.. Sofia. Ako ang magpapangiti sa araw-araw mo.

No comments:

Post a Comment